Truck na may sako-sakong saging, tumagilid sa Southern Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 03:42 PM

Tumagilid ang isang truck na may kargang sako-sakong saging sa Barangay Katipunan sa Silago, Southern Leyte. Larawan mula kay Alfie Almine Cruzada

Isang truck na kargado ng mga saging ang tumagilid sa national highway ng Barangay Katipunan sa Silago sa Southern Leyte, Biyernes ng madaling araw.

Galing ang truck sa Davao City at papunta sanang Balintawak sa Quezon City nang maaksidente.

Ayon sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi kabisado ng driver ang pakurbadang lugar.

Ligtas naman ang driver at dalawang pahinante nito.

IBA PANG BALITA:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.