Pahinante ng truck, patay matapos makuryente

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 03:38 PM

Gumawa umano ng paraan ang biktima para hindi dumikit ang kanilang truck sa kable ng kuryente pero tuluyan itong nakuryente. Larawan mula kay Ed Baughman

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang pahinante ng truck matapos makuryente sa Barangay Sta Maria, Zamboanga City, Biyernes ng tanghali. 

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Kadil Hassim.

Ayon kay Ed Baughman, isang residente sa lugar, papunta ng bodega ang truck na puno ng tubo.

Pero dahil sa taas ng karga nito, gumawa ng paraan si Hassim para hindi sumabit ang truck sa kable ng kuryente.

Dahil dito, nakuryente si Hasim na nagresulta sa kaniyang pagkamatay. 

Dinala rin agad sa ospital ang driver ng truck na nadamay rin sa insidente.

IBA PANG BALITA:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.