Nasa P6.8-M halaga ng umano'y shabu, nasabat sa Pasay; lalaki timbog

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 10:21 PM | Updated as of Jan 08 2021 10:23 PM

Kuha ng PDEA CALABARZON, Regional Special Enforcement Team

MAYNILA - Isang lalaki ang inaresto matapos siyang mahulihan umano ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa isang buy-bust operation sa Pasay City nitong Biyernes.

Ayon sa PDEA agent na si Chris Basilio, bandang 4:40 ng hapon ng ikinasa ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA CALABARZON ang operasyon sa mga kanto ng FB Harrison at M. Costa sa Brgy. 77 Zone 10 sa Baclaran. 

Matagal na aniya minamanmanan ng PDEA ang 26-anyos na suspek at inabot ng halos dalawang linggo rin ang pakikipag-ugnayan sa kanya bago ito pumayag na magkasa ng transaksyon. 

Matapos bentahan ng shabu ang PDEA agent na nagpanggap na buyer ng droga, agad inaresto ng mga awtoridad ang suspek. 

Watch more in iWantTFC

Kusa naman itong sumama at walang naging aberya sa paghuli sa kanya. 

Sasampahan bukas ng kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. 

Ani Basilio, tinutugis pa rin ng PDEA ang iba pang kasamahan ng suspek na nagbebenta aniya ng droga sa southern part ng Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.