Lalaki sa Iloilo nahulihan ng higit 1 kilong marijuana

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 04:59 PM

PAVIA, Iloilo – Timbog ang isang lalaki sa bayan na ito matapos niyang bentahan ng marijuana ang mga pulis na nagpanggap na kostumer. 

Kinilala ang suspek na si Mark John Wendam, 27, na nabilhan ng isang bag ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,000. Bukod dito ay nakuha rin umano sa kaniya ang 1 kilo ng marijuana na may halagang P150,000.

Ayon sa suspek, galing ng Luzon ang ilegal na droga, na nabili umano niya online. 

Sa follow-up operation, tatlong tao pa ang nahuli na pinaniniwalaang kasabwat ni Wendam.

Nakakulong na sa Pavia police station ang mga nahuling suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 


–Mula sa ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.