Dating pulis na wanted sa panggagahasa at tangkang pagpatay, timbog sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 10:42 PM

MAYNILA - Matapos ang higit isang dekadang pagtatago, isang dating pulis ang inaresto ng mga awtoridad sa Pampanga nitong Biyernes dahil sa kasong panggagahasa.

Ayon sa PNP, naaresto nila ang naturang 58-anyos na suspek sa bisa ng warrant of arrest na hinain laban sa kaniya ni Hon. Antonio Natino ng Regional Trial Court 26 sa Iloilo City.

Bukod sa panggagahasa umano, isang kaso ng attempted homicide ang hinaharap ng dating pulis.

Ayon sa PNP, ginahasa ng suspek ang kaniyang katulong na 18-anyos lang noon sa Iloilo.

Nagtago at nag-AWOL siya matapos siya hainan ng mga arrest warrant noong 2010.

Hinahanap ng PNP Anti-Kidnapping Group ang suspek mula sa Iloilo hanggang sa San Fernando City, Pampanga. Nakita nilang nagtatago sa isang bahay sa Brgy. San Agustin ang suspek.

Isang kalibre .45 pistol at airsoft electric gun ang nakumpiska mula sa kaniya.

Ayon sa pulisya, dadalhin siya pabalik sa Iloilo para harapin ang kaniyang mga kaso.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.