Babae napaanak sa loob ng ambulansiya sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 12:48 AM

Kuha ng Brgy. Alas Asin Health Center

Isang 21-anyos na babae ang napaanak sa isang ambulansiya sa Mariveles, Bataan nitong Huwebes.

Naglalakad si Myra Aiza Grace Pigtuhan sa Brgy. Alas Asin nang madaanan siya ng ambulansya. Papunta sana siya sa kabilang barangay para magpa-checkup sa kanyang 9 buwang ipinagbubuntis kaya pinasakay na lang siya sa ambulansya.

“Buti na lang may ambulansya, dahil may ihahatid ding pasyente dyan sa karagatan, nakisabay kami,” ani Pigtuhan.

Pero hindi pa man nakakalayo, napaanak na sa loob ng ambulansya si Myra. 

Kaya dali-daling itinabi ang ambulansya at tumawag ng midwife para ma-aasist ang mag-ina.

Ayon sa kay Cherry Abuyo, kagawad ng Alas Asin, pag-uusapan kung ano pwedeng tulong ang maiabot kay Pigtuhan.

Lubos ang pagpapasalamat ni Myra sa mga sakay ng ambulasya dahil pinasabay siya at ligtas niyang naisilang ang ikalawa niyang anak.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.