Spanish national, patay matapos 'manlaban' umano sa pulis sa Siargao

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 11:46 PM

Patay ang isang Spanish national matapos manlaban umano sa buy-bust operation Miyerkoles ng madaling araw sa Barangay 3 sa General Luna sa Siargao Islands, Surigao del Norte.

Ayon sa pulisya, nakapansin ang suspek na si Diego Lapuenta na pulis ang kaniyang katransaksyon matapos tanggapin ang P30,000 kapalit ng 10 gramo ng cocaine.

Bumunot rin umano ng baril si Lapuenta at binaril ang katransaksyong pulis, na masuwereteng hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nabaril si Lapuenta. Isinugod ito sa ospital pero namatay rin.

Nakuha sa crime scene ang kalibre .45 baril at 10 gramo ng cocaine mula sa suspek.

Ayon pa sa pulisya, mga kapwa dayuhan sa Siargao Islands ang binebentahan ni Lapuenta ng cocaine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.