‘Sideline lang’: P4-M ‘marijuana’ nasamsam sa Tondo; 2 arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 06:08 AM | Updated as of Jan 08 2020 07:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Aabot sa P4 milyong halaga ng hinihinalang marijuana na may bigat na 37 kilo ang nakumpiska ng mga pulis Martes ng hapon sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Lt. Col. Giovanni Callao ng Northern Police District, arestado ang 2 suspek matapos ituro ng mga dati nang nahuli sa buy-bust operation sa Pasig noong Disyembre. 
    
Aminado naman ang 2 suspek na sila ay nagbebenta ng ilegal na droga ngunit giit nila’y sideline lang nila ito. 

“Pag may tumatawag sa kabila sir, kami lang po mag-aabot sir,” ani ng isa sa mga suspek. 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang mismong pinanggalingan ng milyun-milyong pisong halaga ng hinihinalang marijuana. -Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.