Lalaki, hinostage ang biyenan sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 12:56 AM

Kulong ang ang isang 26-anyos na lalaki matapos niyang i-hostage ang kaniyang 47-anyos na biyenan sa Barangay Alas-asin sa bayan ng Mariveles sa Bataan nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng alitan ang mag-biyenan matapos akalain ng suspek na itinatago ng biktima ang kinakasamang menor de edad ng salarin.

Hinatak umano ng suspek ang biktima palabas ng bahay at tinutukan ng patalim.

Rumesponde ang mga awtoridad para pakalmahin ang suspek hanggang sa maaresto nila ito.

Kakasuhan ng grave threat, at resistance and disobedience upon persons in authority ang suspek.

Pinag-aaralan din kung sasampahan pa ng karagdagang kasong child abuse ang suspek dahil sa pananakit umano nito sa kinakasamang menor de edad. - Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.