3 trak sinilaban ng mga hinihinalang rebelde sa Agusan del Sur

Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 06:26 PM

Mga nagpakilalang miyembro ng New People's Army ang nanunog ng dalawang dump truck at isang flatbed hauler sa bayan ng Prosperidad sa Agusan del Sur. Larawan mula sa Prosperidad Municipal Police Station


PROSPERIDAD, Agusan del Sur - Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang dalawang dump truck at isang flatbed hauler sa Purok 1, Barangay Libertad, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinilaban ng mga rebelde na mula umano sa Guerilla Front 19 ang mga sasakyan habang natutulog ang mga residente sa lugar.

May ilang residente ang nagising at sinubukan pang apulahin ang apoy pero pinigilan umano sila ng mga rebelde.

Pinagbabaril din umano ng mga rebelde ang mga gulong ng isa pang flatbed hauler.
 
Pagmamay-ari ng dalawang negosyante mula Prosperidad at San Francisco sa Agusan del Sur ang mga sinunog na dump truck at hauler.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.