3 arestado sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 01:15 AM

QUEZON CITY - Arestado ang 3 katao matapos ang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City. 

Sa ikinasang operasyon ng Masambong Police Station Martes ng hapon sa Barangay Bagong Pag-asa, nakuha mula sa isang 45 anyos na suspek ang nasa 10 sachet ng hinihinalang shabu na nasa 10 gramo at nagkakahalagang P67,000.

Arestado naman ang isang jeepney barker at kasamahan nito sa hiwalay na operasyon ng Cubao Police Station Martes ng gabi sa Stanford St. malapit sa kanto ng Aurora Boulevard, Barangay Socorro.

Nasamsam sa kanila ang 21 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. -Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.