1 patay sa sunog sa General Santos City

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 12:35 PM

Walang naisalba ang mga tenant ng gusali sa sunog na ikinasawi rin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki. Yen Mangompit, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang lalaki sa sunog na tumupok sa 5 establisyemento sa Quezon Avenue, Barangay Dadiangas West, Miyerkoles ng umaga.

Hindi pa matukoy ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima habang dalawang iba pa ang isinugod din sa pagamutan matapos magtamo ng minor injuries.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa lodging house. Sa panayam nila sa ilang naka-check-in, nakita umano nilang nag-spark ang isang wire sa isang kuwarto hanggang sa tuluyan na itong kumalat sa buong gusali.

Wala nang halos nakuhang kagamitan ang tenants matapos ang sunog.

Sa monitoring ng BFP, nakapasa naman sa Fire Code ang limang business establishments dahil kumpleto ang mga ito sa permit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.