#WalangPasok: Klase sa QC, suspendido sa Enero 9

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2019 12:04 PM | Updated as of Jan 08 2019 12:30 PM

MANILA - Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Quezon City sa Enero 9 kaugnay ng Traslacion ng Itim na Nazareno, sinabi ng pamahalaang lungsod, Martes.

Inaprubahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang hakbang dahil sa inaasahang pagbigat ng trapik kasabay ng pagdagsa ng mga deboto sa prusisyon sa karatig lungsod ng Maynila, sabi ni City Administrator Aldrin Cuña sa isang memo.

Una nang nagdeklara ang pamahalaan ng Maynila na walang pasok sa mga paaralan sa lungsod sa Enero 9.

Milyon-milyong deboto ang inaasahang dadalo sa paghahatid ng 400 taong gulang na imahen ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand pabalik sa tahanan nito sa Quiapo Church.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.