Nanghihinang migratory bird, nailigtas sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2018 08:56 PM

ABS-CBN News

Nailigtas ng isang residente ang isang nanghihinang migratory bird sa Barangay Alegre, bayan ng Dulag sa Leyte, Lunes ng umaga.

Ayon kay Mariano Donceras, wildlife enforcement officer, isang Great Frigate bird ang ibong nailigtas ni Michael Santos, na nakakita sa ibon sa likod ng kanyang bahay.

Dagdag pa niya, posibleng galing ang ibon sa ibang bansa at napadpad lamang kung saan ito natagpuan.

Karaniwan umanong lumalayo sa mga malalamig na lugar ang mga ibon tuwing Enero.

Ayon sa opisyal ng City Environment and Natural Resources Office ng Palo, Leyte, maaring naghahanap ng makakain ang nasabing ibon.

Maari ring sanggol pa ang ibon at nanghina ito dahil sa paglipad.

Samantala, nagsasagawa ng Asian Water Bird Census ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) tuwing Enero upang maitala ang mga lumilipad na ibon galing sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng census na ito, nalalaman kung anong species ng ibon galing ibang bansa ang dumarayo sa Pilipinas tuwing malamig ang panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.