P1.9-M halaga ng shabu, nasamsam sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2017 12:15 PM

MANILA - Tinatayang P1.9 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang tulak-droga sa C-3 Road, Caloocan City, Sabado.

Nahuli ang suspek na si Ian Oquendo habang tinitimbang ang droga sa Barangay 28, ayon kay Caloocan police chief Senior Superintendent Johnson Almazan.

Sumuko anya nang mapayapa si Oquendo na nakuhanan ng 1.6 kilo ng shabu.

Ibinahagi naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na ito ang pangalawang pinakamamalaking huli ng pulisya sa lungsod mula nang ilunsad ng pamahalaan ang kampanya laban sa bawal na gamot.

Ipagpapatuloy anya ng mga awtoridad ang mga operasyon kontra sa malalaking drug pusher sa Caloocan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.