PatrolPH

P200-K 'shabu' kumpiskado, 5 arestado sa Marikina drug bust

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2021 01:00 PM

P200-K 'shabu' kumpiskado, 5 arestado sa Marikina drug bust 1
Limang suspek ang natimbog sa buy-bust operation sa Marikina City. Retrato mula sa Eastern Police District Public Information Office

MAYNILA — Limang suspek, kabilang ang umano'y isang nasa drugs watch-list, ang naaresto sa buy-bust operation sa Marikina City, sabi ngayong Huwebes ng pulisya.

Nakipagkita umano ang pulis na nagpanggap na buyer sa target ng operasyon sa isang bahay sa Bagong Silang Street.

Doon umano nangyari ang bentahan sa halagang P500.

Kasama sa mga inaresto ang 51 anyos na kasama sa drugs watch-list, ayon sa pulisya.

Bukod sa nabiling droga, ilang pakete ng hinihinalang shabu ang rekober sa mga suspek, na nagkakahalagang higit P200,000.

Nakumpiska rin umano ang ilang drug paraphernalia tulad ng improvised burner at improvised glass tube pipe.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.