'Most wanted' rapist umano, tiklo sa Pampanga; 4 iba pa nahulihan ng droga

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2021 12:57 AM | Updated as of Jan 07 2021 03:45 AM

Kuha ng San Fernando City Police

Naaresto ng mga pulis ang "most wanted person" ng Pampanga matapos ang isang operasyon sa San Fernando City nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Nathaniel Carreon na dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape.

Samantala, nahuli din ang 4 pang iba matapos mahulihan ng ilegal na droga umano sa magkakasunod na anti-illegal drugs operations sa Pampanga. 

Abot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu, at may kasama pang 4‭ tableta ng‭ ‬ecstasy, na nagkakahalaga ng nasa P109,000, ang nasamsam ng mga awtoridad. --Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.