3 magkakaibigan, tiklo sa marijuana buy-bust sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2021 05:49 AM

MAYNILA - Tatlong magkakaibigan ang inaresto matapos kumagat sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Apolinario Aguinaldo, QCPD Station 10 SDEU chief, pawang mga 22-anyos na mga lalaki ang mga naaresto.

Dalawa sa mga suspek na sina “Dhendel” at “Joseph” ay mga walang trabaho at dati nang nakulong dahil rin sa pagbebenta ng ilegal na droga, habang ang isa naman sa mga naaresto ay nagtatrabaho umano bilang security guard.

Nakipagtransaksyon ang mga pulis sa mga suspek sa sa Brgy. Gulod alas 9 ng gabi. 

Iginiit ni “Dhendel” na hindi kaniya ang mga nakumpiskang droga, habang tumangging humarap sa media ang dalawa niyang kasamahan.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 4 na bloke ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P420,000. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlong suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.