'Para makapag-abroad': P100k 'shabu' nasamsam sa 3 dating preso sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 08:19 AM

DAVAO CITY - Nasamsam mula sa 3 dating preso ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P100,000 matapos ang isang buy-bust operation ng Sta. Ana Police Martes ng madaling araw sa isang hotel sa Bonifacio Street. 

Inamin naman ng mga suspek na sangkot nga sila sa ilegal na gawain kahit na inabot ng isang dekada sa kulungan at noong 2019 lang nakalabas.

Dagdag pa ng mga suspek, pinasok nila ulit ang ilegal na aktibidad para makaipon ng pera pang-abroad. 

Galing umano ang supply nila sa Parang, Maguindanao, kung saan nakatira ang isa sa mga suspek. -Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.