P350,000 ‘shabu' nasabat sa dating bilanggo sa Bacolod City

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 10:43 PM

BACOLOD CITY - Aabot sa P350,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa 29 anyos na dating preso sa isang isang buy-bust operation Martes ng hapon sa Barangay 8, Bacolod City.
 
Nabawi sa suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 21 gramo. 

Ayon kay Police Maj. Sherlock Gabana, sila rin ang nakahuli noon sa suspek kaya ito nakulong. 

Napag-alamang nilang bumalik ito sa ilegal na gawain nang mapalaya dahil sa plea bargaining agreement.

Dagdag pa ni Gabana, mas lumaki at dumami ang parokyano ng suspek nang magkaroon ito ng ugnayan sa mga kapwa bilanggo. -Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.