Lalaking may hawak na sachet ng 'shabu' sa kalsada, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 04:43 AM

QUEZON CITY - Arestado ang natiyempuhang lalaking may hawak na hinihinalang shabu Martes ng madaling araw sa Montreal St. Barangay E. Rodriguez, Quezon City habang nakatambay sa kalsada.

Ayon sa Quezon City Police District 7, aabot sa 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P80,000 ang nakuha sa suspek.

Umamin ang lalaki na gumagamit siya ng shabu, ayon sa pulisya.

Kasalukuyang nakapiit na sa Cubao Police Station ang suspek. -Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.