Bangkay ng batang babae, natagpuan sa tubuhan sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 01:50 AM | Updated as of Jan 07 2020 08:20 AM

Watch more in iWantTFC

NEGROS OCCIDENTAL - Natagpuan ang bangkay ng isang 14 anyos na babae sa taniman ng tubo Lunes ng umaga sa Barangay Binubuhan, lungsod ng Bago. 

Ayon sa pulis, nadatnan nilang walang damit pang-ilalim, may putol na daliri, at naaagnas na ang katawan ng batang babae. 

Hinala ng pamilya, ginahasa ang bata bago ito mamatay. 

Isasailalim sa autopsy ang katawan ng bata para malaman kung ito ay ginahasa. 

Huling nakita ang bata ng kanyang mga pamilya nitong araw ng bagong taon pa nang magpaalam na makiki-charge muna ng cellphone sa bahay ng kanilang lolo. 

Ayon naman sa lolo, hindi na dapat niya papayagan ang apo na umalis ng bahay dahil aabutin ng kalahating kilometro ang tirahan nito ngunit hinala niyang umalis ang bata nang bigla siyang nakatulog. -Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.