8-anyos na babae, pinatay at ginahasa sa Candelaria

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 09:45 AM | Updated as of Jan 07 2020 07:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Natagpuang patay ang isang 8-anyos na babae sa bayan ng Candelaria, Quezon nitong Lunes ng hapon, ayon sa pulisya.

Arestado ang suspek na si Ricardo Burce, 54-anyos na kabarangay ng biktima. Umamin siya sa pagpatay at paggahasa sa bata dahil umano sa kalasingan, ayon kay Lt. Col. Jezreel Calderon, hepe ng Candelaria Police.

Si Burce ang nagturo sa mga awtoridad kung saan matatagpuan ang bangkay ng biktima. Aniya, nakita niyang dinukot ng 3 lalaki ang biktima at isinakay sa puting van.

Kalaunan ay umamin din ang suspek na siya ang may gawa ng krimen.

Pinatay muna ng suspek sa sakal ang biktima bago ginahasa, ayon kay Calderon. Lasing umano ang suspek nang gawin ang krimen.

Nawala ang biktima Linggo ng hapon at huling nakitang kalaro ang ibang bata malapit sa kanilang bahay, ani Calderon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.