7 arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 07:52 AM

Arestado ang 7 drug suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City Lunes ng gabi.

Nasamsam sa 3 suspek ang P16,000 halaga ng hinihinalang shabu nitong Lunes sa Barangay Holy Spirit.

Balik kulungan naman ang 4 na lalaki matapos kumagat ang isa sa kanila sa buy-bust operation sa Barangay Pasong Tamo.

Ayon sa Quezon City Police District 3 nakumpiska sa kanila ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.