PatrolPH

Tour guide, arestado sa buy-bust sa Palawan

Rex Ruta, ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2019 03:28 PM

Tour guide, arestado sa buy-bust sa Palawan 1

EL NIDO, Palawan - Arestado sa isang buy-bust operation ang isang tour guide Lunes ng madaling araw.

Nakumpiska mula kay Joey Abes ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at ang buy-bust money.

Oktubre pa nang maisama sa listahan ng mga binabantayang personalidad ang suspek, matapos iturong may koneksiyon ito sa isa pang nahuling drug personality sa bayan.

May iba pang drug personality na binabantayan ang pulisya.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Abes.

Sa loob ng 5 buwan, 18 na ang nahuling drug personalities sa El Nido pero aminado ang pulisya na talamak pa rin ang bentahan ng ilegal na droga.

Hinala rin nila na may mga malalaking taong nasa likod ng mga ilegal na transaksiyon.

Iniingatan rin ng awtoridad na hindi makaapekto sa turismo sa lugar ang isyu ng ilegal sa droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.