Aabot sa 40 bahay ang apektado sa sunog sa Zamboanga City. Larawan kuha ni Liezel Lacastesantos
ZAMBOANGA CITY (UPDATE)--Isang sunog ang naganap sa Barangay Tetuan dito sa siyudad pasado alas-11 ng umaga, Miyerkoles, kung saan aabot sa 40 bahay ang natupok.
Ayon sa District Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection na si Fire Chief Inspector Jacqueline Ortega, mahigit isang oras bago naapula ng mga bombero ang apoy.
Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog.
Kinumpirma rin ni Ortega na may isang nasawi sa sunog. Natagpuan ang sunog na katawan habang nagsasagawa ng "overhauling operation" umano ang BFP sa pinangyarihan ng sunog ngayong hapon.
Inaalam pa ng Department of Social Welfare and Development ang bilang ng pamilya na apektado sa sunog. -- Ulat ni Liezel Lacastesantos
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Zamboanga City, sunog, Tagalog news, Brgy. Tetuan Zamboanga City