Rape suspect, patay matapos mang-agaw umano ng baril sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2021 03:47 AM

Kuha ng Talomo Police Station

DAVAO CITY - Patay ang isang lalaking detainee matapos umanong mang-agaw ng baril sa loob ng istasyon ng pulis sa Davao Martes ng umaga.

Base sa ulat ng pulisya, inilabas mula sa selda sa Talomo Police Station ang lalaki na rape suspect para isailalim sa online inquest proceeding at isampa ang kasong rape dahil sa panggagahasa umano ng sariling anak.

Binunot umano ng suspek ang baril ng isang pulis nang dumaan sila sa may desk officer area, nagkaagawan ng armas, at nakalabit umano ang baril sa ulo ng rape suspect, na dahilan ng pagkamatay nito.

Isinugod pa sa Davao Adventist Hospital ang rape suspect pero idineklarang dead on arrival.--Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.