Ormoc LGU naglaan ng P350-M para sa COVID-19 vaccines

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2021 08:05 PM

ORMOC CITY - Naglaan ng P350 milyong pondo ang lokal na pamahalaan ng Ormoc City para gamiting pambili ng COVID-19 vaccines para sa mga residente nito.

Tinatayang nasa 80 porsyento ng 240,000 na populasyon ng lungsod ang makikinabang dito.

 

Ayon kay Mayor Richard Gomez, prayoridad ngayon ng lungsod ang pagbabakuna sa mga residente.

Bumuo rin ng Ormoc City COVID-19 Vaccine Council para pag-aralan ang gagawing pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kasunduan na magbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na pamahalaan na makakuha ng kanilang sariling bakuna laban sa COVID-19.

Watch more in iWantTFC

- ulat ni Sharon Evite

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.