Ban sa wooden-hulled pumpboats dahilan para ma-stranded ang mga papuntang Guimaras

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2021 09:31 PM

Stranded ang mga pasaherong papuntang Guimaras matapos ipagbawal ang pabiyahe ng mga wooden-hulled pumpboats. Larawan mula sa Buenavista LGU.

Daan-daang pasahero patungong Guimaras ang na-stranded sa Iloilo at Guimaras Wharf matapos pagbawalang bumiyahe ang mga wooden-hulled pumpboats.

Isang modernized fiber glass boat lang ang bumibiyahe patungo sa Buenavista at dalawa naman patungong Jordan. 

Aminado si Buenavista Mayor Eugene Reyes na hindi sapat ang mga bumabiyaheng sasakyang pandagat mula sa Buenavista, Guimaras, patungong Iloilo matapos na mag-expire na ang prangkisa ng mga wooden hull bangka.

Napag-alamang simula ngayong Enero ay hindi na pinapayagang bumiyahe ang mga wooden-hulled pumpboats dahil sa pag-expire ng prangkisa nito.

Hindi na ni-renew ang prangkisa matapos ang trahedya sa Iloilo-Guimaras Strait na ikinamatay ng maraming pasahero noong 2019.

Sa ngayon ay humihiling ang mga operator ng mga wooden-hulled-bangka ng extension para makabyahe pero wala pang desisyon mula sa mga awtoridad. -- Ulat ni Rolen Escaniel
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.