Mga matatabang pulis inutusang magpapayat

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 04:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa pag-umpisa ng bagong taon, ipinag-utos ng tumatayong pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa matatabang pulis na magpapayat.

Sa press conference sa Camp Crame ngayong Lunes, sinabi ni PNP officer in charge Lt. Gen. Archie Gamboa na haharap sa mga parusa ang mga pulis na hindi maaabot ang tama nilang body mass index, gaya ng hindi pag-schooling, na isang requirement para ma-promote ng ranggo sa hanay ng pulisya.

Hindi lang para sa imahe ng PNP ang kautusan kundi para sa kalusugan ng bawat pulis.

"This is not all about 'yong image ng PNP na dapat walang tiyan but this is more on individual responsbility," ani Gamboa.

Sakop ng utos ang lahat ng miyembro ng pulisya, mula kay Gamboa, sa regional directors, hanggang sa pinakamababa umanong ranggo.

Ikinuwento rin ni Gamboa na may PNP official na raw siyang kinausap para magdiyeta.

"Alam ko na kung sino tinutukoy niyo, mayroon siyang particular target. Last week ko pa siya ni-remind at nagsimula na siyang bumili ng yogurt," aniya.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.