Jeep nahulog sa kanal sa Iloilo; 11 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 12:11 PM

Nahulog ang isang pampasaherong jeep sa isang kanal sa bayan ng Guimbal, Iloilo matapos itong banggain ng isang truck. Retrato mula sa Guimbal Municipal Police Station

Sugatan ang nasa 11 pasahero matapos mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang jeep sa bayan ng Guimbal, Iloilo ngayong umaga ng Lunes.

Huminto ang jeep sa gilid ng kalsada sa Barangay Nanga bandang alas-9 ng umaga dahil sa bababang pasahero, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Biglang may bumangga umanong truck sa likod ng jeep, dahilan para mahulog ito sa kanal sa tabi ng kalsada.

Ayon sa driver ng truck, nawalan siya ng preno kaya nabangga niya ang jeep.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck.

-- Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.