4 detainee sa Bacolod City, nakatakas

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 11:16 PM | Updated as of Jan 08 2020 02:56 AM

Nakatakas ang 4 na detainee sa kulungan matapos lagariin umano ang mga iron bar sa selda Lunes ng tanghali sa Bacolod City.

Mga nakatakas na mga detainees, Kuha ng BCPO

Ayon sa mga pulis ng Police Station 3, hindi umano namalayan ng mga naka-duty na nakawala na ang mga binabantayan. 

Nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang tatlo samantalang lumabag naman sa Anti-Child Abuse Law ang isa.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang 3 sa mga detainee na tumakas. 

Naisipan nilang sumuko na lang dahil sa takot na may mangyari sa kanila kung patuloy pa silang magtatago.

Patuloy naman ang paghahanap ng kapulisan sa isa pang detainee na tumakas na si Jeffrey Elanggos.

Ipinangako ng hepe ng Police Station 3 ng Bacolod na mas hihigpitan pa ang pagbabantay sa mga detainee para hindi na maulit ang nagyaring pagtakas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.