Lalaki arestado sa pagnanakaw ng stem cell products

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2019 10:27 PM

DAVAO CITY -- Arestado ang 28 taong gulang na house helper matapos magnakaw ng mga produktong stem cell sa kaniyang amo sa lungsod na ito Sabado ng hapon.

Ayon sa Talomo Police, dalawang beses na umanong nagnakaw ng stem cell products si alyas Mike. Una niya itong ginawa noong Disyembre 29 kung saan nagnakaw siya ng isang box ng stem cell products at nitong Sabado ay apat na box ng stem cell products ang kaniyang kinuha.

Higit P100,000 ang halaga ng stem cell products na ninakaw ng suspek na tumanggi magbigay ng pahayag.

Payo ng pulisya na magsagawa ng background check sa mga makukuhang kasambahay o trabahador bago pagtrabahuin.

Haharap sa kasong qualified theft ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.