3 arestado sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2019 08:08 AM

MANILA - Arestado ang tatlong suspek sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Quezon City.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, ikinasa ang buy-bust operation na target ang isang alyas Boss.

Napagkasunduan umano na sa may Sarmiento St. tapat ng Sta. Monica Cockpit Arena, Brgy. Sta. Monica gagawin ang transaksiyon.

Sa sasakyan na mismo ng target inabot ng police buyer ang pera kapalit ng isang sachet ng shabu.

Matapos ang transaksiyon ay sinugod na ng mga operatiba ang sasakyan. Bukod sa target, kasama din nito sa kotse sina alyas Nognog 41 anyos at alyas Len 43 anyos.

Nakuha mula sa grupo ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit P400,000, isang plastic ziplock ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P1,200, mga drug paraphernalia, weighing scale, at 2 baril.

Napag-alaman na si alyas Boss ay may dati nang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga sa Valenzuela at Pasay. Si alyas Nognog naman ay may kasong murder sa Caloocan habang si Len naman ay drug surrenderee naman sa Pasig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.