Lalaki sugatan sa pagsabog ng lumang bomba sa Parañaque

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2018 07:56 PM | Updated as of Jan 06 2018 07:58 PM

MANILA- Sugatan ang isang lalaki matapos sumabog ang isang lumang bomba umano sa isang construction site sa Barangay Baclaran sa lungsod ng Parañaque Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Randy Manalo, 30, isang karpintero.

Nagpapahukay umano ang isang kontratista sa lugar nang mahukay ang nasabing bomba, ani Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario.

Tumulong umano si Manalo sa pag-alis sa bomba ngunit bigla itong sumabog kaya nasugatan siya.

Dinala na sa ospital ang biktima na nilapatan ng lunas habang nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.