Sasakyan ng PNP, bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2021 09:03 AM | Updated as of Jan 05 2021 09:16 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Bumangga ang isang sasakyan ng Philippine National Police sa concrete barrier sa southbound lane ng EDSA sa Ortigas sa bahagi ng Mandaluyong City Martes ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), minamaneho ni Patrolman Clarence Corpuz ang Hi-Ace na may plakang SJT 248 nang bumangga sa concrete barrier.

Ayon kay Corpuz, nagmamadali sila patungo ng MOA para sumundo ng mga nurse na magsasagawa ng swab test sa mga pulis.

Bumisina pa ito sa isang bus pero bigla itong huminto dahilan para makagitgitan niya. Pumutok ang gulong sa harapan ng bus at nasira naman ang harapan ng van.

Itinanggi naman ng driver ng Admiral Transport bus na bigla silang huminto at sinabing sadyang mabilis ang patakbo ng van ng PNP.

Wala namang nasaktan sa aksidente pero nagdulot ito ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC