P8 milyon halaga ng 'shabu' nakumpiska sa Iloilo drug bust

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2021 06:20 PM

Aabot sa P8 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nakuha sa operasyon sa bayan ng Oton, Iloilo. Retrato mula sa Iloilo Provincial Police Office

Tinatayang aabot sa P8 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa buy-bust operation sa Oton, Iloilo, kung saan naaresto ang isang babae, sabi ngayong Martes ng pulisya.

Isang 30 anyos na babae mula Pavia, Iloilo ang naaresto umano sa operasyon.

Narekober sa suspek ang 6 na bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 450 hanggang 500 gramo. 

Ayon kay Col. Gilbert Gorero, hepe ng Iloilo Provincial Police Office, kasama sa drugs watch-list ang dating kinakasama ng naarestong suspek.

Sa ngayon, nakadetene sa Oton Police Station ang suspek, na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.