3 senior citizen, patay sa sunog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2021 04:51 AM

DAVAO CITY - Bangkay na nang mailabas ang tatlong senior citizen mula sa kanilang nasunog na bahay sa Brgy. Talomo Proper sa Davao City Lunes ng hapon.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection XI, kinilala ang mga biktima na sina Claudio Libre, 81, Gloria Aurora Libre, 79 at Angelo Ocquialda, 60.

Makikita sa video ni Chris Elben Regis ang paglagablab ng malaking apoy na lumalamon sa dalawang bahay sa Central Park, Bangkal.

Watch more in iWantTFC

Ayon sa Bureau of Fire Protection, unang nasunog ang isang sasakyan na kinukumpuni dahil sa hinihinalang electrical short circuit.

Dahil sa lakas ng apoy, nasunog din ang bahay ng mga biktima.

Tinatayang aabot sa P400,000 ang halaga ng pinsala ng insidente.--Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.