P5.7-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa Cebu, 1 arestado

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2020 09:06 AM

Nasamsam ang nasa P5.7 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa isang high-value target sa Cebu City, Sabado ng gabi. ABS-CBN News

CEBU CITY -- Nasamsam ang nasa P5.7 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa isang high-value target sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Nakuha ang 850 gramo ng hinihinalang shabu mula kay alyas Jhonrey, 36, na miyembro umano ng isang drug group sa Central Visayas.

Umamin naman ang suspek na kaniya ang mga nakuhang droga. Napilitan lang umano siyang pumasok sa ilegal na negosyo dahil sa kahirapan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.