MAYNILA — Nasa P103,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga pulis sa buy-bust operation sa Quezon City ngayong Linggo, kung saan naaresto rin ang 4 na tao.
Kabilang sa mga nahuli sa operasyon sa Barangay Pasong Tamo ang mga tulak na sina alyas "Philip," anak niyang si alyas "Joseph," at ang 2 nilang parokyano.
Nakuha sa mga suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 15.25 gramo at nagkakahalagang P103,700, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Ayon kay Conrad Ignacio, kagawad sa Barangay Pasong Tamo, nasa drugs watch-list si "Philip" at ilang taon nang iniimbita para sumailim sa counseling pero hindi umano ito sumisipot.
Kakasuhan ng selling at possession of illegal drugs ang mag-ama habang possession of illegal drugs naman ang 2 parokyano. -- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, buy-bust operation, Quezon City, shabu, drugs, TV Patrol, Kevin Manalo