3 tiklo sa anti-drug ops sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2019 09:32 AM

MAYNILA - Arestado ang 3 lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cubao, Quezon City Biyernes ng gabi.

Unang nahuli ng mga pulis ang 2 lalaki sa itinatayong condominium sa Camarilla St., Barangay San Roque.

Target ng buy-bust si alyas Miguel na kasama sa drugs watch list ng lugar. Mga construction worker umano ang kaniyang mga parokyano.

Nakuha kay Miguel ang 7 sachet ng hinihinalang shabu. Kasama niyang nahuli si alyas Bogart na isang construction worker. 

Samantala, timbog naman sa Barangay San Martin De Porres si alyas Kenneth. Nakumpiska sa kaniya ang 9 na pakete ng umano'y shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.