SAPUL SA CCTV: Truck sumadsad sa isang bahay sa Baguio

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2018 07:48 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Nat Franco

BAGUIO CITY - Huli sa CCTV ang pagsadsad ng isang delivery truck sa isang bahay sa Barangay San Luis nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya, galing ang truck sa Quirino Highway at papuntang Sta. Lucia para mag-deliver ng grocery items.

Loose brake umano ang naging dahilan kung bakit sumadsad ang truck sa bahay, ayon sa barangay captain. 

“Medyo nahaginan pa kami, buti napaatras kami kundi sapul na kami ng dalawang lalaki eh,” ani Evelyn Hungtilan, residente.

Ayon sa kapitan ng barangay, kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang driver nito na si Frederico Opiana Jr. dahil sa mga fracture sa likod. Nagtamo rin ng minor injuries ang pahinante nito.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.