2 sugatan sa pag-araro ng trak sa karinderya, tindahan sa Jaro

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2018 03:52 PM

Inararo ng 6-wheeler truck ang isang karinderya at tindahan ng niyog Biyernes ng umaga sa Jaro, Iloilo City. Cherry Palma, ABS-CBN News

ILOILO CITY – Dalawa ang sugatan sa pag-araro ng isang 6-wheeler truck sa hilera ng mga karinderya at tindahan ng niyog sa Balabago, Jaro, Biyernes ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang trak. 

Pahayag ng driver nito, hindi na niya nakontrol pa ang manibela kaya tumuloy-tuloy sa puwesto ng isang karinderya at tindahan ng niyog.

Nagtamo ng bahagyang sugat sa kamay ang driver, habang isinugod naman sa ospital ang anak ng may-ari ng karinderya matapos mahagip sa binti.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.