14 kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa Dengvaxia, iniimbestigahan

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2018 09:44 PM | Updated as of Jul 03 2019 04:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinag-aaralan ng Philippine General Hospital expert panel ang 14 na kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa Dengvaxia.

Mula sa Rehiyon 3, 4, at National Capital Region (NCR) ang mga kasong ito na tumanggap ng bakuna mula 2016.

"The 14 cases which are up for validation by the PGH experts… assuming lang, but subject to validation, parang it’s still within the case fatality ratio of less than one percent," ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. 

“We asked them questions. Number one, what they think is the cause of death? Second is do you think it’s related to the vaccination or associated with the vaccination,” paliwanag naman ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo.

Ayon pa kay Domingo, gumawa ng sulat ang Department of Health (DOH) sa Sanofi na nagsasabing dapat magkaroon ng test kit para masuri ang mga batang nabakunahan kung sila ba ay seropositive sa sakit na dengue bago pa sila nabakunahan ng Dengvaxia.

Ito ay para malaman kung sino ang mga batang at risk. 

"We are asking them to get all of the stocks that are now in RITM and to refund the money, around 1.4, 1.5 billion pesos," ayon kay Domingo.

Mag-iikot din ang DOH sa iba't-ibang eskuwelahan na nagsagawa ng school-based immunization para i-check ang mga estudyanteng nabakunahan. 

Magbibigay ng liham sa mga magulang at magdi-distribute rin sila ng mga poster na ilalagay sa mga eskuwelahan para sa madalas na tanong tungkol sa Dengvaxia at dengue.

"The parents will be given letters on updating them on the situation and then also telling them to watch out for the symptoms that are common in dengue and what RHU (rural health unit) or what hospital of the department they can go to where the fast lanes have already been set up," sabi ni Domingo. 

Sinuspende naman ng Food and Drug Administration (FDA) ang certificate of product registration ng Dengvaxia sa loob ng isang taon dahil pumalya ito sa pagpapasa ng mga dokumento tulad ng post-marketing surveillance.

Magmumulta rin ang Sanofi Pasteur ng P100,000 dahil dito. 

Nilinaw naman ng DOH na wala itong kinalaman sa kontrobersiya o bagong pag-aaral tungkol sa Dengvaxia na inilabas noong Nobyembre.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.