MAYNILA - Isang bahay ang nasunog sa Maharlika Village sa Taguig City nitong Martes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Taguig, nasunog ang bahagi ng dalawang palapag na bahay na pag-aari ni Hadja Normain Tulawi sa Maguindanao Street sa Barangay Maharlika.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa second floor ng bahay ng pamilya Tulawi.
Umabot lang sa unang alarma ang sunog na nagsimula dakong alas 5:20 p.m. bago idineklarang fire out makalipas ang higit 30-minuto.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog pero aabot sa tinatayang P90,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.