Tanod patay sa pamamaril matapos manita dahil sa face mask

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2021 04:08 PM

Watch more in iWantTFC

Patay ang isang barangay tanod sa Floridablanca, Pampanga matapos pagbabarilin habang nagbabantay sa checkpoint noong umaga ng Linggo.

Base sa kuha ng CCTV sa insidente, tumigil sa checkpoint sa Barangay del Carmen ang 2 suspek na nakasakay sa motorsiklo at binaril ang biktimang si Joseph Laboneras Sr.

Bago ang pamamaril, sinita umano ni Laboneras, 59, ang mga suspek sa unang pagdaan ng mga ito dahil walang suot na face mask.

Patuloy naman ang operasyon laban sa mga suspek, na tumakas sa direksiyon papuntang Guagua.

— Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.