Barangay captain sa Davao del Sur patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2021 07:16 PM

BANSALAN, Davao del Sur – Patay sa pamamaril noong Linggo ng gabi ang isang barangay chairman sa bayan na ito.

Kinilala ang biktima na si Samuel Dicdican, 53, punong barangay ng Buenavista. 

Batay sa ulat, binaril si Dicdican ng di pa kilalang mga salarin habang nasa loob ng kaniyang bahay sa sa Purok Lubi. 

Ayon sa imbestigasyon, nakarinig ang asawa ng biktima ng putok ng baril at agad tumakbo sa likuran ng kanilang bahay para humingi ng tulong.

Agad umanong tumakas ang mga responsable sa di malamang lokasyon.

Isinugod pa sa ospital si Dicdican pero namatay din.

Inaalam pa ng Bansalan police ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga responsable sa pamamaslang.

Ikalawang termino na sana ngayon ni Dicdican sa Barangay Buenavista. 


–Ulat ni Claire Cornelio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.