Mga pananim sa Benguet nabalot ng frost

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 04:22 PM | Updated as of Jan 04 2020 04:23 PM

Nabalot ng andap o frost ang mga gulay na pananim sa Atok, Benguet dahil sa malamig na klima sa lugar. Larawan mula kina  Mylene Balao at Divine Dulnuan-Philip


Nabalot ng frost o andap ang mga pananim sa bayan ng Atok sa Benguet dahil sa malamig na klima.

Umabot sa 5 hanggang 7 degrees Celsius ang temperatura sa nasabing bayan.

Ayon sa mga magsasaka sa lugar, tatlong araw nang inaandap ang kanilang pananim pero tiniyak nila na wala naman daw itong epekto sa produksyon ng kanilang gulay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.