Magkapatid nalunod sa dagat sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 04:33 PM

Sinubukang isalba ng mga residente ang mga biktima pero hindi na sila nailigtas. Larawan mula kay Charmane Awitan, ABS-CBN News


MAGALLANES, Agusan del Norte – Nasawi sa pagkalunod ang 2 magkapatid sa bayan na ito matapos nilang maligo at mabalahaw sa maputik na bahagi ng dagat sa Barangay Caloc-an noong Huwebes.

Ayon sa Magallanes police, naka-check-in sa isang resort ang mag-anak nang magtungo sa maputik na bahagi ng dagat ang 3 magkakapatid. 

Na-trap sa putik at hindi nakaahon ang 2 biktima habang nakaligtas naman ang isa. 

May edad na 10 at 18 ang dalawang nasawi, habang 12 anyos naman ang survivor. 

Ayon sa kaanak ng mga biktima, lasing ang 18 anyos na kapatid nang magtungo sila sa karagatan.


–Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.