MAYNILA - May pagkakataong umaabot sa korte ang paghingi ng ina ng sustento sa itinuturong ama ng kaniyang anak.
Minsan, hindi inaako ng lalaki ang bata kaya't kinakailangan ang pagsasagawa ng paternity test o pagsusuri kung lehitimong mag-ama nga sila.
Pero maaari bang tumanggi ang lalaki na sumailalim dito?
Ayon sa abogadong si Joey Montemayor sa programang "Usapang de Campanilla" noong Biyernes, walang magagawa ang lalaki kung korte na ang nag-utos.
"Dapat mayroong court order. 'Pag mayroong court order, ang gagawin lang ng mga pulis hahawakan siya at kukuhanin ang sample," ani Montemayor, na isa ring doktor.
Para makahingi ng court order sa pagsasagawa ng paternity test, kinakailangang may kaso ring inihain ang ina laban sa itinuturong ama ng bata.
"Kung walang existing case, it's a violation of due process," paliwanag niya.
Kung planong maghain ng kaso laban sa itinuturong ama, payo ni Monteymayor na isabay sa ihahaing kaso ang paghain ng mosyon na isailalim ang lalaki sa DNA test.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, DZMM, Usapang de Campanilla, DNA test, paternity test, health, DNA, paternity